The whole premises was unusually tranquil for quite an hour now. Nakahanda na ang mga sasakyang gagamitin sa labas ng mansyon. Handa na rin ang mga baril at balang isasalang. Ang hinihintay na lamang ay ang mga gagamit ng mga ito at ang pinal na desisyon ng kanilang pinakapinuno. Ang karamihan ay nasa labas na naghihintay ng magiging desisyon, ang iba nama’y nasa sala ng bahay, nakatuon ang buong atensyon sa balitang inuulat sa TV. Tungkol iyon sa nangyaring pagsabog kanina. Isang convenient store ang pinasabog at sa video footage na ipinapalabas sa telebisyon, makikita ang halos wala nang natirang materyales ng store. May pulang likido ring nagkalat na siguradong pagmamay-ari ng labing-isang mga taong nasawi sa pangyayari. Ang sinasabi ng reporter ay kagagawan iyon ng isang terorista

