Nasa pagitan pa rin ako ng pakikipagtalo sa isipan kung ano nga ba talaga ang paniniwalaan ko sa nakita kanina nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na tunog ng mga sasakyang sigurado ako ay sa tapat ng aming bahay huminto. Kapwa kaming napalingon ni Ryzel sa pinto ng aking kwarto na tila ba parehong alam na at iisa lang ang iniisip. She never let go of my hand ever since we arrived here. I have already told her everything that has happened in San Joaquin, kaya alam at naiintindihan niya kung bakit ganito na lamang ang naging epekto sa akin ng nakita ko kanina, totoo man iyon o hindi. I mean… Vince is already dead. There’s no way that’s real. Siguro namamalikmata lamang ako o siguro dala ng mga pangamba ko nitong nakaraang mga araw kaya kung ano-ano na ang nakikita ko.