Noong pababa na ako ng hagdanan ay kapwang napahinto sina Ryzel at Karl na halatang kagagaling lamang sa pagtatalo rin kagaya namin Hendrix. Tiningala nila ako, si Ryzel na hinihintay akong makarating sa kinaroroonan nila at si Karl na nasa kabilang direksyon na ang tingin na tila nahihiyang makasalubong ang aking mga mata. Balak ko sanang lampasan lang sila para maituloy nila ang naudlot na pag-uusap ngunit si Ryzel na mismo ang kumuha sa braso ko at iginiya ako palayo. “Don’t you need to talk?” tanong ko. Pinakitaan niya ako ng supladang tingin saka ngumuso. “We’re done talking.” Nilingon ko si Karl dahil sigurado akong narinig niya iyon subalit wala sa amin ang mga mata nito. “Let me guess,” muli kong pagsasalita nang makalabas na kami. “He wants you to go home?”