Inumpisahan nang ibuhos ni Athena sa kanyang baso ang panlimang bote nila ni Ryzel. Pareho nang nilamon ng mga alak ang kanilang utak. Wala na sila sa sarili, wala na sa tamang pag-iisip at kung anu-ano nang lumalabas sa kanilang mga bibig. “Hah! Mahal niya pa raw ako!” singhal ni Ryzel at nilagok ang baso. “Eh, mahal ko pa rin naman siya! Pero syempre, dapat pakipot muna tayo.” Humagikgik ito dahil sa kaniyang naisip na plano. “Mahal ka nga pero kasing gwapo ba niyan ang Hendrix ko? Hah! Walang laban ‘yan!” inis na singhal din sa kaniya ni Athena, pakiramdam nito ay natatalo siya ng kaibigan. “Siya ba yung nakita ko noong biyernes?” Nakangising tumango si Athena sabay lagok sa baso. Kumuha siya ng panibagong bote at iyon naman ang inumpisahang inumin. “Ang gwapo! Ikaw, ‘di ka nagshe-s