“Are you still okay?” Muling pagtatanong ni Tom. Mabilis akong tumango at pagkatapos nitong ngumisi ay bumitaw na rin sa pagkakahawak sakin. Napansin ko rin ang panunumbalik na ng kaninang ingay sa paligid. Papalapit sa amin si Luke na may bitbit na monoblock. Nilapag niya ito sa tabi ko at hinubad ang suot na jacket para ilagay sa inuupuan. “Salamat, Luke. Pero hindi naman na kailangan. Ayos lang, suotin mo nalang yung jacket mo.” “It’s okay, Athena.” Ngumiti ito at bumalik na sa kaninang pinanggalingan. Nakita kong inaayos na nila ang mga bola sa loob ng triangle rack. Pumipili na rin ng kanilang mga sticks na gagamitin at ng lugar kung saan sila pupwesto sa paglalaro. “Tom.” Bumaling ito sakin, “Bakit may mga babae rito? Mga kasamahan niyo rin ba sila?” Tuming