Kabanata 39

1279 Words

Bawat kumpas ng orasan ay siyang pagbilis ng pintig sa aking dibdib. Bawat segundong dumadaan ay pawang isang napakalaking tinik ang nababaon sa aking puso. Kanina ko pa paulit-ulit na kinakagat ang labi, namamawis at nanlalamig ang mga palad kong pinagdadaop, hindi rin matigil ang paulit-ulit na pagpadyak ng aking mga paa.   Malapit nang mag-alas diyes. Habang papalapit ang kamay ng orasan sa tinakda kong oras ng pag-uwi nila, ganoong paglala naman ng kaba ko. Hindi ko mapigilan ang sariling mag-isip ng negatibo. Napakaraming mga eksenang gumagambala sa aking isipan.   “May nangyari na ba sa inyo ni Hendrix?” Ang siko kong nakatukod sa aking tuhod ay nadulas dahil sa sinabi ni Tom.   Gulat at hindi makapaniwala ko itong tinapunan ng tingin. Sumisipsip ito sa straw ng juice box.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD