Halos tatlong oras ang lumipas bago namin natapos ang isang cake na may tatlong layer. Natatawa ko itong pinagmasdan dahil sa kinalabasan niya. Hindi man lang mapantay-pantay ang icing, ang dekorasyon din nito ay parang hindi ko na mawari kung ano ba talaga. At ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang nakatusok na talong sa pinakatuktok nito. At sino pa nga ba ang may kagagawan? Ako ang nagbake ng cake at sila naman ang nakatoka sa disenyo. “Ang importante, makakain.” Jason proudly declared. Tapos na kaming mananghalian noon at oras na para sa cake na kanina pa sila takam na takam. “Masyado namang maliit ‘tong kutsilyo. Kamayin nalang natin ‘yan.” Sabi ni Rey habang hawak-hawak ang isang kutsilyo na para sana ipanghihiwa sa cake. “Kumuha ka ng lagari. Akong bahala rito.” Sa