Kabanata 1

1107 Words
“Gaga mo naman besh! Pumayag ka no'n, ikaw lahat ang sagot sa kasal ninyo? Aba eh talaga pa lang magagalit sa iyo niyan sina Tita! Napakatanga mo naman kasi, sorry besh ah pero sa totoo lang shunga ka talaga! Real talk yan!” nakasimangot na litanya sa kanya ng kanyang matalik na kaibigang si Helen. “Ehh.. ano ka ba, ganyan talaga kapag nagmamahal 'no! Alam mo Helen naiintindihan ko naman itong si Samaya sa kalagayan niyang iyan at desisyon niya. Tsaka haler, marami namang pera itong kaibigan natin kaya kung talagang nais na nilang magpakasal na dalawa. Kayang-kaya na yan ni Besh no!” wika naman ni Recca, matalik din nilang kaibigan. Magkakaibigan silang tatlo, itong si Recca lang talaga ang madikit sa kanya. Ito naman kasing si Helen, palaging busy at halos iilang beses lamang sila nagkikita nito sa isang taon. Ito namang si Recca, simula yata ng maging kasintahan niya si Sergio ang campus crush noon sa kanilang school ay talagang nakadikit na sa kanya. Noon kasi nanatili siya sa America, halos di niya ito maramdaman, ayon kapag uutang lang ng pera. Pero ng makauwi na siya at nagsimula ng magpalipad hangin sa kanyang ang kanyang kasintahan, ayon parang tuko na ito na ayaw siyang tantanan. Sabagay masaya naman siya dahil boto naman ito kay Sergio, at masaya ito para sa kanilang dalawa. Palagi nga itong naka-support sa kanila kahit na tutol ang kanyang Mama pero ito pa talaga ang gumagawa ng paraan para makipagkita siya kay Sergio. Kumpara dito kay Helen na talagang daig pa ang kanyang Mama sa pagka-disgusto kay Sergio, medyo naiinis na nga siya dito kaya lang hindi na lang niya pinapansin dahil alam naman niyang nasasabi lamang nito iyon dahil sa concern ito sa kanya. Pero kasi mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Wala lang talaga itong swerte sa trabaho kaya palagi itong tambay pero may plano naman na sila eh. Tsaka kaya naman niya hangga’t hindi pa ito nakakahanap ng trabaho. Tsaka mukhang nais ng kanyang Mama na ipadala na naman siya sa America, sa lugar kung saan nakatira ang kanyang auntie. Natunugan kasi nitong may plano na sila ni Sergio na magpakasal. Ayaw na niyang maghintay muli ng dalawang taon para makasama lang si Sergio, Hindi siya pumayag, kaya ngayon minadali nilang dalawa ang kasal. At dahil sa mahal siya ng kanyang Mama at ng kanyang Papa. Ayaw man ng mga ito pero napapayag na lamang niya dahil kinausap niya ng masinsinan at pinaintindi dito kung gaano niya kamahal ang kanyang kasintahan. At heto na nga, suot-suot niya ang kanyang wedding gown habang nire-retouch ni Recca ang kanyang make up dahil nabura na iyon kanina sa simbahan at ngayon kailangan niyang mas maging maganda sa reception lalo pa at sila ang haharap sa mga bisita. “Haller din no! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Recca? O nabuang ka na rin katulad nitong kaibigan natin. Kailan pa naging okey na ang gagastos sa kasal ay ang babae at ang ambag lang ng lalaki ay ang sarili nya? Aba eh baka nga kahit suot niya ay itong kaibigan pa natin ang bumili!” patuloy sa pagbubunganga si Helen. Hindi ito nagbibiuro talagang halos mamula na ang mukha nito sa galit. Paano kasi si Recca, nadulas ng tungkol sa gastos sa kasal kaya ayan tuloy nasabon siya ng kanyang kaibigan. “Shhh… save your sermon time mare ha, special occasion ko ngayon eh. Sayang ang beauty natin kung masisira lang.. Bawal nega vibes ngayon, dapat good vibes lang. Oh sya,tayo na sa labas baka hinihintay na ako ng pogi kong hubby!” pabirong wika na lang niya kay Helen. Ayaw lang niya talaga na parehas masira ang araw nila. Alam naman niya na may point ito pero kasi mahal niya si Sergio at gagawin niya ang lahat para mapasaya lang ito at maikasal sila. “Hayyy ewan! Ano ba kasing nakita mo sa hinayupak na iyon, kakagigil eh. Iyong presensya nya at vow na nga lang ang ambag, “wala akong masabi, basta alam mo na iyan” gago! Umabot na ng halos 30 minutes ang vow message mo sa kanya. Halos maubos na rin ang luha mo, iyong sa kanya 8 words lang ang sinabi ng hinayupak na iyon!” gigil na gigil pa ring wika nito. Natawa pa siya sa panggagaya nito sa sinabi ng kanyang asawa. Halos mamula na ang ang mukha nito sa inis. Medyo nag-expect nga naman talaga siya kanina ng speech nito o ng message nito na medyo mahaba pero ayon nga gaya ng sinabi nito, 8 words lang ang nabanggit ni Sergio. Pero sabagay palagi naman nitong sinasabi na mahal na mahal siya nito kaya ano pa bang hahanapin niya. “Uhhmmm, anong nagustuhan ko sa kanya… Pogi syempre, mapagmahal at syempre iyong pinaka-importante… malaki besh!” pabirong sagot na lang niya dito, kahit ang totoo hindi pa niya nasisilayan ang bagay na iyon. Humagalpak na lang siya ng tawa pati si Recca natawa na lang din sa sagot niya pero si Helen halos umusok ang ilong sa inis. “Hoy bruha ka! Kung naghahanap ka lang naman ng malaki, doon na sana sa Amerika! Mapagmahal ang mga puti, maalaga din naman sila lalo na kung mahal ka, at ang pinaka-importante kasing laki ng dos por dos ang kinabuhi!” inis na pabalang na sagot nito. “Aheemm, ang tanong diyan beshh, malaki nga pero kasing tigas ba ng dos por dos?” natatawang sagot niya dito. “Ay ambot talaga sa iyong babae ka uy! Dami mong palusot!” wika muli nito na di maitago ang pagkapikon sa kanya. “Pwede ba Helen! Manahimik ka na, aba eh kabago-bagong kasal ng mag-asawa dine-demonyo mo na itong kaibigan natin na awayin ang kanyang asawa. Silent ka na nga lang diyan!” tila naiirita na rin na saway naman dito ni Recca. Naiiling na tumayo na siya mula sa pagkakaupo. “Kayo talaga, tayo na nga sa labas. Hinihintay na ako ng Sergio my love ko.” pabirong wika pa niya. Napangiti naman si Recca pero si Helen, kunwari ay naduduwal na nagpatiuna na sa paglabas sa silid. Naiiling na napasunod naman sila dito ni Recca, ito naman ang may hawak ng mahabang laylayan ng kanya wedding gown kaya talaga nagpapasalamat siya dahil hindi siya pinabayaan ng mga kaibigan. Iyon nga lang mainit ang ulo nong isa sa natuklasang siya ang gumastos sa kanilang kasal ni Sergio. Kakaiba nga naman iyon sa pandinig at parang kahihiyan ng pamilya ng bride, pero para sa kanya kasi wala naman halaga ang pera basta ang mahalaga maikasal na sila ng lalaking mahal niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD