Matapos nang halos isang linggo na pag-aayos ng lahat ng kakailangan nila para sa kanilang nalalapit na kasal ay may dalawang linggo silang natitira upang magpapahinga. Dahil puspusan ang ginawang preparasyon ay naisipan ni Marcus na dalhin na muna ang mag-ina sa isang hotel upang marelax naman si Sanaya. Bakas kasi sa mukha nito ang pagod, hindi man nito sabihin ay alam niyang ginagawa nito ang lahat para sa dream wedding nito. They plan for an stay-cation, sa isang sikat na hotel sa Manila upang mag-relax. Sinama na rin nila ang pamilya ng kakambal na si Marco. Medyo nagkakailangan pa sila dahil kahit kamukha ito at kakambal ay hindi maiiwasang mailang dahil magkaiba pa rin sila. Lalo ngayon sa sitwasyon nila. Kapag nakikita ang anak nito na si Maria, batid niya namang mahal na mahal it