Isang buwan mahigit na ang nakalipas ngunit hindi pa rin matukoy kung sino ang tumatraydor sa aking kumpanya. Halos wala na rin akong gaanong tulog at pahinga dahil sa sunod-sunod na meeting na aking dinadalohan.
Kakatapos lang ng aking huling meeting sa mga investors at sa aking mga empleyado ay nagtungo kaagad kami ni Sef sa aking opisina. Pabagsak akong naupo sa aking swivel chair at mariing pumikit. Nawawalan na ako ng oras at hindi na alam ang gagawin kung paano ko ito malulutas. Bigla namang pumasok si Lyka na tila humahangos at sapo pa nito ang kaniyang dibdib, kaya bigla akong napadilat nang marinig ang pagsara ng pintuan ng aking opisina.
"Oh Lyka, bakit gan'yan ang hitsura mo?" Takang tanong si Sef sa kan'ya na nakaupo sa aking harapan.
"S-sir kilala ko na kung sino ang nagnanakaw sa kumpanya," sabay kaming napatayo ni Sef dahil sa sinabing iyon ni Lyka at gulat namin siyang hinarap.
"Sino siya Lyka?"
"Siya po si Engr. George Cornelio. Siya po iyong engineer ng Amelia Condominium na proyekto ng Global Empire."
"The f**k! Paano nangyari 'yon na nagkaroon siya ng access dito sa kumpanya?!"
"Sir may kasabwat po s'ya."
"Who?"
"Anak po n'ya sa accounting department. Pinahalungkat ko rin po isa-isa ang mga bank account nila kaya nalaman ko," paliwanag ni Lyka. Napakuyom naman ako ng palad at napatukod ako sa aking lamesa. At malalakas ang aking paghinga dahil sa galit.
"Sef let's go to Amelia Condominium, and please call Engr. Cornelio right away!" Mariing sigaw ko sa kan'ya at nauna na akong lumabas ng aking opisina.
Pagkarating namin sa mismong condominium na kasalukuyang ginagawa pa ay kaagad naming hinahanap ang naturang Engr noon. Naghintay naman kami sa kan'yang opisina na kasama ko si Sef at si Lyka. Ilang minuto pa ay dumating na rin ang salarin kung bakit unti-unting nalulugi ang kumpanya.
"Mr. Brilliantes ano po ang sadya niyo? Bigla po yata__"
"I want you to answer my questions directly," putol ko sa kaniyang sasabihin. Taka naman niya akong tinitigan at hindi ko inaalis sa kan'ya ang aking atensyon.
"A-ano p-po 'yon Mr. Brilliantes?"
"Why you do that? Of all people na pinagkatiwalaan ko paano mo nagawa sa akin 'yon?!" Sigaw ko sa kan'ya na ikinapitlag niya at napatayo na rin ako sa aking upuan.
"What d-do y-you mean Mr. Brilliantes?" Inabot sa akin ni Lyka ang folder na naglalaman ng mga katibayan na sila ng kan'yang anak ang nagnanakaw sa loob ng kumpanya. Binigay ko naman ito sa kan'ya at nanginginig ang kamay niya nang kunin niya ito. Nang buksan niya ang folder ay kita ko ang panlalaki ng kan'yang mga mata at isinara kaagad ang folder.
"Now, Engr Cornelio paano mo maipapaliwanag 'yan na milyon-milyon ang nawawala sa kumpanya?!"
"H-hindi iyan totoo Mr. Brilliantes may gusto lang sumira sa akin dahil naiinggit sila, maniwala ka sa akin Mr. Brilliantes!" Pagsusumamo niya.
"Paanong hindi totoo Engr. Cornelio? Nandiyan na lahat ang ebidensiya itatanggi mo pa?!" Muling sigaw ko sa kan'ya. "Gusto kong umalis ka na ngayon din kasama ng anak mo. Hindi kita ipakukulong pero sisiguraduhin kong matatanggal ang lisensya mo bilang inhinyero at hindi na makakahanap pa ng trabaho ang anak mo," matapos kong sabihin sa kan'ya iyon ay mabilis na kami lumabas ng kaniyang opisina at narinig ko pa ang sigaw niya sa akin.
"Hindi pa tayo tapos Brilliantes! Pagsisisihan mo ang ginawa mo aking ito!"
"Dude ingat ka sa banta noong inhinyero na 'yon baka may gawin siya sa'yong hindi maganda," wika ni Sef ng nasa loob na kami ng sasakyan.
"Oo nga Mazer, baka mamaya niyan bigla ka na lang niya barilin sa labas ng opisina mo," sinamaan ko naman siya ng tingin na nakaupo sa harapan at sinulyapan lamang niya ako. "Joke lang sir! Pero paano nga kung gano'n?"
"Gusto mong ikaw naman ang isunod kong tanggalin?" Inis ko namang tanong sa kan'ya.
"Ano ka ba Mazer! Binibiro ka lang, kaya 'wag mo 'ko tanggalin ha? Sige ka mawawalan ka ng magandang Assistant Manager niyan," bigla namang napaubo si Sef at pinalo siya ng malakas ni Lyka sa kaniyang braso.
"Ano ka ba Lyka gusto mong mabangga tayo?!" Napasandal na lang ako at pumikit dahil sa tinuran ng dalawa.
"Dude dahil nalaman na rin natin kung sino ang salarin sa pagkalugi ng kumpanya kailan mo naman balak lumipad papuntang France?" Napadilat akong bigla dahil sa sinabi ni Sef. Saglit ko naman siyang tinitigan sa rare view mirror. Naalala kong bigla na napospone ang aking pag-alis dahil inasikaso ko muna ang problema ng kumpanya.
"Ikaw na ang bahala mag-asikaso noon Sef. Aalis ako next week at magpatawag ka na rin ng meeting bukas."
"Right away sir!"
Nang makauwi na ako sa bahay ay naabutan ko naman si Macelyn na kasama ang asawa niyang si Marco. Nasa sala sila at tila hinihintay talaga ako.
"Hi kuya!" Bati niya sa akin at humalik pa siya sa aking pisngi. Kahit na nagkaroon na siya ng asawa at mga anak ay hindi pa rin siya nagbabago sa akin. Tulad pa rin siya ng dati noong wala pa siyang pamilya. Umupo naman ako sa kanilang harapan at katabi naman niya si Marco.
"Ano pala ang ginagawa niyo rito? Saka late na ah."
"Kuya why you didn't tell me?"
"Tell you what?"
"Na nagkaroon pala ng problema ang kumpanya." Napayuko akong bigla at hinimas ang aking batok.
"Hindi ko na sinabi sa'yo kasi ayokong mag-alala ka pa. At isa pa hindi naman ganoon kalaki ang problema."
"Paano mo nasabing hindi ganoon kalaki? Milyon ang nawala sa kumpanya kuya."
"Huwag ka ng mag-alala Mace dahil naayos ko na ang problema."
"Really?"
"Yes Mace," ngumiti naman ako sa kan'ya.
"Oo nga pala kuya naalala ko, nagkausap na ba kayo ni Tin? I tried to call her many times kaya lang out of coverage na eh."
"Pupunta ako ng France next week after I settle my appointments," napatutop naman ng bibig ang aking kapatid dahil sa excitement. Alam kong masaya siya sa kaniyang narinig.
"Mabuti naman Mazer at naisipan mong makipag-ayos na kay Kristine. At nalaman mo na rin kung ano ang pagkakamali mo," seryosong wika naman sa akin ni Marco na nakahalukipkip pa.
Kabaligtaran naman siya ng aking kapatid, kung gaano ka-jolly si Macelyn ay siya naman ay saksakan ng suplado. Ganoon pa rin siya mula noon hanggang ngayon. Pero kahit na ganoon ay mabait naman ito at kita ko ang pagmamahal niya sa aking kapatid.
"I admit that I was wrong, kaya nga nagpasya akong puntahan siya sa ibang bansa. Gagawin ko ang lahat magkabalikan lang kami."
"E paano kung may iba na pala siya kaya hindi natin siya makontak?"
"Babe ano ka ba? Imposible 'yon dahil noong last month nakausap ko pa siya at hinahanap niya si kuya."
"Paano nga babe kung narealize niya na hindi lang si Mazer ang lalaki sa mundo?"
"Wow Marco salamat ha! Salamat kasi pinapalakas mo ang loob ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya at malakas naman siyang tumawa.
"Just kidding okay?!"
"Hindi ko alam kung anong meron sa akin kung bakit trip na trip niyo 'ko lokohin. Kanina si Lyka, tapos ngayon ikaw naman," sabay irap ko naman sa kan'ya pagkasabi ko noon.
"Pero seryoso Mazer, what if kung totoo nga 'yong bali-balita na nililigawan siya noong sikat na model? Or baka nga boyfriend na niya 'yon kasi even her social media account ay hindi na rin active. Baka nga iniiwasan ka na niya Mazer. What would you do if ganoon nga?" Mataman niya akong tinitigan at hinihintay ang aking isasagot.
"I will make her mine again. Hindi ako babalik dito ng hindi kami nagkakabalikan. Kung gusto niyang doon na lang din ako, papayag ako makasama ko lang ulit siya," malungkot kong sagot kay Marco.
Alam ko namang malaki ang kasalanan ko ng hiwalayan ko si Kristine dahil sa isang rason na hindi ko sinang-ayunan. Kaya ngayon gusto kong itama ang pagkakamali kong iyon. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba, nararamdaman kong ako pa rin ang mahal niya at nasisiguro ko 'yon.