“Hon, saan ka galing kagabi?” wika sa akin ni Jillian habang sinusuot ko ang aking necktie. Hinarap ko siya at tipid na ngumiti. “May pinuntahan lang akong kliyente kahapon” “Sobra naman yatang late ang pagtatrabaho mo at isa pa kaninong sasakyan ang gamit mo? Nasaan ‘yong sasakyan mo?” wika niya na nakataas pa ang isa niyang kilay. Pansin ko sa mukha niya ang pagdududa at kailangan kong mag-ingat hangga’t hindi pa kumpleto ang binibigay sa aking impormasyon. Kapag nalaman ko na ang lahat ay paplanuhin ko na kung paano naman mahuhuli ang mga salarin. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang baywang. Kailangan kong ituloy ang pagpapanggap ko at para hindi rin niya ako mahalata dahil kung hindi ay masisira lang ang mga plano ko at posible pang mapahamak si Kristine. “Hiniram

