Maaga akong pumasok sa aking opisina dahil marami akong designs na kailangang tapusin. Pagkapasok ko pa lang ay ramdam ko ang mga titig ng aking mga empleyado sa akin at ‘yong iba pa ay pinupuri naman ako sa aking bagong itsura. Dumeretso ako kaagad sa aking opisina at umupo sa aking swivel chair. Binuksan ko ang laptop ko at sabay pasok naman ni Leslie na alam kong takang nakatingin sa akin. Hindi niya kasi akalain na magpapagupit ako ng gano’n kaikli. Ayaw na ayaw ko pa naman ang hindi mahaba ang buhok dahil kay Mazer mas gusto niya raw kasi ang mahaba ang buhok ko dahil mas bagay daw ito sa akin. Kaya simula noon ay hindi ako nagpapaigsi ng buhok, kung ano ang sabihin niyang bagay sa akin ay siyang ginagawa ko at lahat ng ayaw niya ay sinusunod ko naman. Pero ngayon iba na. Lahat ng

