“Alam mo ba anak sobrang saya ko, kasi hindi ko akalain na makikita pa kita,” mangiyak-ngiyak na wika sa akin ni daddy. Mahigpit niyang hawak ang aking isang kamay ko habang nakangiti sa kan’ya. Napabaling naman ako kay Franco na nakamasid sa amin at halata sa mukha niya ang kasiyahan. “Ako rin po daddy masayang-masaya ako kasi sa tagal na panahon hindi ko akalaing makikita ko pa ang tunay kong mga magulang” “Nakita mo na rin ba ang mama mo?” “Yes dad, sa bahay ko na siya nakatira kasama ang kapatid kong si Isay.” Pansin ko ang kaniyang pagtahimik at saka yumuko. “Dad are you okay?” “Hija, I’m sorry dahil naging duwag ako. Hinayaan kong maghirap ang mama mo,” malungkot niyang turan. “Dad, huwag mong sisihin ang sarili mo” “Anak, I want to talk to her for the first time. Gusto kong

