CHAPTER 70 Naging masaya ang pagsasama namin ni Mazer sa mga lumipas na buwan. Kinausap ko siya na kung puwede na akong bumalik sa trabaho ko tutal ay ilang buwan na rin naman akong nakapahinga at isa pa magaling na rin naman ako. Napagkasunduan namin na babalik ako sa trabaho kapag nabuntis na ako sa panganay namin at nanganak. Sinubukan naming magka-anak ni Mazer pero sadyang hindi pa yata napapanahon para biyayaan kami ng anak. Nalulungkot ako kapag dumadating ang buwanang dalaw ko dahil parati akong nag-eexpect na magkakaroon na kami ng anak. Alam kong sabik na sabik na si Mazer na magkaroon ng anak dahil ito ang parati niyang binabanggit sa’kin. Ako rin naman ay gusto ko na magkaroon ng munting anghel para kahit papaano ay mapasaya ko ang asawa ko at mabuo na ang aming pamilya. Ka

