Mazer POV: Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nakita ko ang aking sarili na nasa isang ospital. Tiningnan ko ang kanang kamay ko at may nakakabit naman itong dextrose. Pumikit ako sandali at pilit na inaalala ang nangyari, ang naalala ko ay sumakit ang aking ulo at nawalan na lang akong bigla nang malay. Muli akong dumilat at naalala naman si Kristine. Alam kong nag-aalala na siya sa akin at tiyak hinahanap na ako. Naaalala ko na ang lahat lahat sa akin pati ang tunay kong pagkatao at kung sino ang parati kong nakikita sa aking panaginip at kahit saan iyon ay walang iba kung hindi si Kristine. Akmang tatayo na sana ako nang makarinig naman ako ng tila nag-uusap sa labas at boses iyon ni Jillian. Nakita kong bumukas ang pintuan at muli ko naman ipinikit ang aking mga mata at

