Pagkababa ko ng aking sasakyan ay pinasadahan ko nang tingin ang bahay na binili ko. Hindi ito katulad ng bahay na pinagawa ni Mazer na malaki at halos ilang pamilya ang kasya roon. Binalik ko na ito sa kaniya dahil mas kailangan ito ng pamilya niya at hindi na naman ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Isa-isa namang ibinaba sa truck ang mga gamit namin at ipinasok na sa loob. Mahahalagang gamit lang ang dinala ko at iyong iba ay iniwan ko na sa bahay dahil tanging si Mazer ang bumili ng lahat ng gamit doon. Ayoko nang makakita kahit isa sa mga gamit niya na magpapaalala pa sa’kin, magpaalala nang sakit na ginawa niya. Mas matatanggap ko pa na hindi niya ako nakikilala ngayon at handa ko siyang ipaglaban, kaysa naman noong una palang ay niloko na niya ako at nagkaroon pa sila ng anak. I

