Masyado kong dinibdib ang nangyari sa’kin, hindi ko na magawa ang mga nakasanayang kong gawin. Parati na lang akong nakakulong dito sa loob ng kuwarto at ayokong makipag-usap kahit na kanino. Kahit ang asawa ko ay hindi ko na rin kinakausap at hindi ko na rin naaasikaso gaya ng dati. Oo masakit, masakit para sa’kin na hindi ko mabibigyan na ng anak si Mazer at hindi na rin ako magiging isang ina na matagal ko nang pinapangarap. Bumalik pa rin kami ni Mazer sa doctor para muling magpatingin at binigyan lang niya ako ng ilang mga gamot na dapat inumin para sa sakit ko. Hindi na rin naman ako umaasa pa na balang araw ay mabubuo ang pamilya namin. Kung si Mazer ay hindi nawawalan ng pag-asa, ako naman ay ayoko nang umasa dahil masakit kapag nalaman ko ang totoo. Nakahiga ako sa kama at nakat

