Pansin ni Cayden ang pagkatulala ni Louise sa loob ng Taal Bayview Bristo. Sinadya na niyang iikot ang ruta para maipasyal ang mag-ina niya, kahit na nadagdagan ang regular na dalawang oras at may kalahati ng pagmamaneho papauwi sa Mabini, Batangas. “Don’t you like the place?” He decided to ask after an hour. Kanina pa sila nagpapahinga at extended na ang oras nila kaya dinagdagan na lang niya ang bayad sa restaurant kasi natutuwa naman ang anak niya sa tinatanaw na Taal lake. Tumingin sa kanya si Louise at parang nag-alala bigla. “H-Hindi. Gusto ko kaya lang iniisip ko ang magiging paghaharap namin ng Papa ko.” He knows. He sensed it anyway that’s why he decided to have a moment and relax. Cayden pricked that slice of meat on his plate and put it in Louise mouth. Ilang na tumingin