twenty Pasulyap-sulyap si Louise sa mukha ni Blesserie habang nilalagyan ng laso ang anak at ito naman ay nagbabasa ng paboritong kwento sa Disney Princess na Rapunzel naman. “Mimi, why do you keep on looking at me? May sasabihin ka sa akin?” Susmi! Parang matanda. Naitirik niya ang mga mata habang kagat ang ribbon kasi hirap siyang suklayin ang makapal nitong buhok na abot gulugod at bagsak na bagsak. Kinuha niya ang ribbon at inilagay sa buhok nito. “Baby Liempo, kung magpapakasal si Mommy gusto mo?” “Basta kay Didi King. Ayoko sa iba Mimi. Daddy ko kasi siya at siya ang totoo kong Daddy talaga.” Anito na hindi man lang sumulyap sa kanya. Napabuntong-hininga siya kasi mahirap itong kontrahin. Bata pa si Bless at wala itong kasalanan kung nagiging mapaghanap ng ama talaga. Ang kai