WTwenty-eight ait here babe. I left something inside the hall.” Ani Cayden kay Louise nang makarating sila sa pampang ng dagat sa may tabi ng hotel. Tumango siya sa asawa na hubad na ang suot na coat at nakasampay na lang sa balikat. “Daddy, I want to come with you!” sigaw ni Blesserie kaya tumango naman ang isa at ngumiti nang humabol ang bata. “Mommy, babalik din kami ha.” Paalam niyon sa kanya kaya ngumiti rin siya at tumango. Naiwan sa kanya ang asong si Collie at parang gwardiyang nakabantay. Sinundan niya ng tingin ang dalawa habang papalayo at hindi naiwasang makaramdam ng kakaiba nang maalala ang mga walang kasing landi na paraan ng paghalik sa kanya ni Cayden sa harap ng maraming tao. Nasasanay siya at nitong huli at walang takot sa dibdib niya kung hindi kakaibang paki