Chapter 11
"Mom! How many times i told you na huwag ka diyan aakyat sa puno. Baka mahulog ka," ani ni Charlotte. Nasa itaas ngayon ng puno ang ina. Puno ng pag-aalala ang bata sa idea na nasa taas ang ina at inaabot iyong alaga nila na pusa na nasa taas.
"Butler!" sigaw ni Charlotte. Hindi niya maiwan ang ina dahil baka ano mangyari dito.
Natutuwa na nakuha ni Cordelia ang pusa. Nakaupo ang babae sa sanga at pinakita iyon kay Charlotte.
Walang dumadating para tulungan mom niya na bumaba.
"Mom! Huwag ka baba!" sigaw ni Charlotte. Nakita niya kasi baba ang mom niya dala ang pusa. Natatakot siya na mahulog ito.
Tiningnan siya ni Cordelia na may pagtatakha.
"Diyan ka lang mom kukuha ako ng hagdan!" sigaw ni Charlotte at tumakbo paalis. Lingid sa kaalaman kasi ni Charlotte bata pa lang si Cordelia ay mahilig na siya umakyat sa mga puno at hindi siya takot sa heights.
Pero dahil nangako si Cordelia na hindi na palagi susundin ang sinasabi ng anak ay hindi siya nagtangkang bumaba.
Sa tapat ng puno na inakyatan niya bumukas ang glasswall. Lumabas si Arlo na nakasuot lang ng pajama at half naked.
Nag-unat ang lalaki. Agad na tinakpan ni Cordelia ang mata gamit ang isang kamay at gumawa naman ng ingay ang pusa.
Naagaw naman 'non ang atensyon ni Arlo na agad nanlaki ang mata.
"Miss Cordelia!"
Nagulat si Arlo. Napakapit si Cordelia sa puno noong muntikan na siya mahulog noong tumakbo ang pusa paalis.
Lumingon si Cordelia. Sinabihan ito ni Arlo na doon lang at huwag aalis.
Agad na pumasok sa loob si Arlo at kinuha ang jacket niya para pumunta sa garden.
Tiningnan ni Cordelia ang pusa na nasa itaas. Itinaas ni Cordelia ang isang kamay para abutin ang sanga.
"Miss Cordelia!"
Bumaba ang tingin ni Cordelia kay Arlo. Inosente siya tiningnan ni Cordelia. Lumingon si Arlo para tingnan kung may bagay na siya matutuntungan para abutin si Cordelia.
"Can you jump?" tanong ni Arlo kay Cordelia. Binuka ni Arlo ang dalawang braso— tiningnan lang iyon ni Cordelia and sandali bumitaw.
"Hehe."
Tumalon si Cordelia and agad naman siya nasalo ni Arlo. Nakayakap si Cordelia sa leeg ni Arlo and naamaze ang babae.
Sobra niya kasi taas. Napabuga ng hangin si Arlo and sinabi na huwag na aakyat ulit si Cordelia.
"Anong nangyari?"
Dumating si Ophelia kasama si Charlotte ang butler at ilang staff na may hawak na hagdan.
Bahagya naningkit ang mukha ni Ophelia noong nakita ang posisyon ng dalawa. Yakap ni Cordelia ang leeg ni Arlo at hawak naman ni Arlo ang bewang ni Cordelia.
"Tinulungan ko lang bumaba si miss Cordelia."
Binaba ni Arlo si Cordelia na agad umalis matapos makita ang pusa na tumakbo patungo kung saan. Sinundan siya ng tingin ni Arlo.
"Bakit hindi ka tumawag ng staff? Hindi mo siya kailangan hawakan Arlo."
Tiningnan ni Arlo si Ophelia ng kakaiba. Sinabing tinulungan niya lang bumaba si Cordelia.
"Wala ako nakita staff noong papunta ako dito at nakaya ko naman siya saluhin."
Bakas sa mukha ni Ophelia ang selos. Nagpaalam na ang butler at mga staff dahil ngayon nararamdaman niya ang tensyon.
Karaniwan walang pakialam sa ibang tao si Arlo ngunit noong makita ni Arlo si Cordelia na nasa itaas ng puno wala na siya ibang naisip kung hindi ibaba ito. Naisip ni Arlo dahil maari nakaramdam siya ng simpatiya sa babae dahil sa kakaibang kalagayan nito.
"So? That is why," ani ni Cosmo. Sinabi ni Arlo na wala siya experience sa mga relationship. Hindi niya alam paano susuyuin si Ophelia.
Sa labas ng room nakikinig lang naman si Charlotte. Bahagya ni Charlotte nilingon ang nakaiwang na pintuan at nakapako ang tingin kay Arlo.
"He save my mom. I dont think masama siya na tao but—"
Hinawakan ni Charlotte ng mahigpit ang dulo ng dress niya. Naconfirmed niya na hindi nga kilala ni Arlo sino nakasex niya ng araw na iyon at nabuo siya.
Umiwas ng tingin si Charlotte. Sa kakayahan ng dad niya magagawa nito protektahan ang mom niya mula sa lolo niya.
"Ayoko magtake ng risk," bulong ni Charlotte. Naisip ni Charlotte sabihin sa dad niya sino ang tunay niya na mom ngunit paano kung hindi tanggapin ni Arlo mom niya dahil sa kondisyon nito at during that time may gawin naman masama ang lolo niya sa mom niya.
"Pinakaworst is kuhanin ni dad ang custody and ilayo ako sa mom ko."
Umiling si Charlotte sinabi na hindi siya papayag. Humakbang si Charlotte at umalis na doon.
Nagsimula na ang party sa mansion ng mga Monteveros and siyempre marami ang dumalo sa party.
As usual wala sa venue si Cordelia and nasa kabilang building ito. Nakaupo ang babae sa harap ng glasswall sa may bintana.
Mula doon nakikita niya ang madaming ilaw mula sa main building at mga tugtog.
Madami din siya na tao na nakikita na naglalabas-pasok sa main building na may magaganda na kasuotan.
Bahagya nakaramdam ng lungkot si Cordelia. Wala ang anak niya dahil kailangan nito mag-attend sa party na iyon kaya mag-isa lang siya doon.
Yakap ang doll na binigay sa kaniya ni Charlotte. Naalala ni Cordelia kapag may mga ganoon na event natural na kinukulong siya doon pero nandoon si Charlotte kaya hindi nakakaramdam ng lungkot pero iba sa pagkakataon na iyon.
Hinilig ni Cordelia ang ulo sa tuhod. Nagsimula humikbi ang babae and niyakap ng mahigpit ang mga tuhod.
Kalaunan sa party. Even madami bata doon na nagattend na kasing edaran ni Charlotte hindi mukhang nag-enjoy ang batang babae.
Nasa harapan ngayon ng lamesa si Charlotte at kumuha ng pagkain.
"Hindi pa nagsisimula ang party kumukuha na ng pagkain. Ano na lang sasabihin ng mga bisita kapag nakita ka at ni Arlo."
Napatigil si Charlotte and bahagya lumingon. Nakita niya si Ophelia na nakataas ang kilay.
"May nakalagay ba na banner dito na bawal kumain habang hindi pa nagistart ang party?" tanong ni Charlotte. Pinaliwanag ni Ophelia na unsaid rules iyon sa mga ganoon na events.
"Sabagay ano ba naman alam mo? Hindi ka naman naturuan ng maayos ng mom mo," ani ni Ophelia. Napahawak ng mahigpit si Charlotte sa hawak niya na plate.
"Ah tama. Wala siya kakayahan turuan ang sariling anak dahil baliw siya. Infairness may talent siya sa pang-aakit ng lalaki—"
"Are you done?"
Napatigil si Ophelia noong titigan siya ng malamig ni Charlotte.
"Mali ka ng inooffend auntie."
Bago pa makapagsalita ulit si Ophelia binagsak ni Charlotte ang hawak na plato dahilan para mapatingin lahat ng bisita sa side niya.
"Ma-mommy. I— Im sorry."
Nashock lahat ng bisita. Karamihan sa mga bisita ay dumalo para makilala din ang anak ni Arlo at ni Ophelia. Nandoon din si Arlo na agad binaba ang hawak na kopita at nilapitan sina Charlotte.
Nagsimula humikbi si Charlotte and noong makalapit si Arlo tinanong kung ano nangyayari.
"Arlo meron lang mis understanding—"
"Na— nagugutom na kasi ako. Gusto— gusto ko na kumain."
Hawak ni Charlotte ang tiyan and naiiyak sinabi na nagugutom na siya. Agad na dumilim ang mukha ni Arlo and tiningnan si Ophelia.
"Pinapagalitan mo ba ang bata dahil gusto niya kumain?" tanong ni Arlo. Naout of guard si Ophelia at hindi alam ang sasabihin.
Lumuhod si Arlo and hinawakan sa pisngi si Charlotte. Napatigil ang bata and napalingon kay Arlo na nasa side niya kanina.
"Ano ba gusto mo kainin?" tanong ni Arlo. Nilingon niya si Benzo na agad lumapit sa lamesa para kuhanin ng mga makakain si Charlotte.
"Arlo, makinig ka sa akin. Hindi ko siya pinagbabawalan. Sinabi ko lang na masyado inappropriate na mauna siya kumain sa ganito na event," paliwanag ni Ophelia. Naiinis na tumayo si Arlo at tiningnan ang babae.
"Sinasabi mo ba na dapat tiisin ng anak natin ang gutom para lang wala masabi ibang tao?" tanong ni Arlo. Naitikom ni Ophelia ang labi.
Noong inaabot na ni Benzo ang plate kinuha iyon ni Arlo at pinatong sa table.
"Come here. Pupunta tayo sa malaking restaurant at ibibili kita lahat ng pagkain na gusto mo," ani ni Arlo at kinuha si Charlotte. Nagulat ang batang babae sa biglang pagbuhat sa kaniya ni Arlo at pagkulong sa mga braso nito.
Hindi nagustuhan ng matandang Monteveros ang result na nangyari sa party and nakatanggap ng sermon si Ophelia dahil doon.
"Masyado ka naging kampante Ophelia!"
Napatalon ang babae sa pagsigaw sa kaniya ng matanda.
"Ano na lang sasabihin ng ibang tao sa atin at sa ganoong event mo pa talaga naisipan magkalat makipagtalo kay Charlotte. Ano tingin mo sa sarili mo!" sigaw ng matanda. Naiyukom ni Ophelia ang mga kamao.
Kalaunan si Charlotte at Arlo tumungo sa isang restaurant malapit lang sa mansion. Binigay ni Arlo ang menu kay Charlotte at sinabi na ituro nito lahat ng pagkain na gusto niya.
"Hindi ako familiar sa mga pagkain na nasa menu," sagot ni Charlotte na kay pagkadisgusto. Muntikan na matawa si Benzo.
"Ano nakakatawa Bellweather? Pinagtatawanan mo ba ang anak ko?" tanong ni Arlo at tiningnan ng masama si Benzo na nagulat. Agad na tinaas ang kamay at sinabi na hindi.
"Natatawa lang ako kasi either confused kayo iisa lang expression ginagawa niyo tapos kuhang-kuha ni young miss expression niyo sir," explain ni Benzo. Itinaas ni Arlo ang isang kamay. Agad na may lumapit na waiter.
"Orderin ko lahat ng nasa menu," ani ni Arlo. Kumunot ang noo ni Charlotte sinabi na hindi iyon kailangan.
"Paano mo malalaman kung ano gusto mo kainin kung hindi mo titikman lahat?"
Napangiwi si Cosmo. Hindi niya maintindihan logic at pinopoint out ni Arlo doon. Napaisip ang batang babae.
Well mayaman naman ang dad niya at hindi ito mauubusan ng pera. Iuuwi niya na lang sa mom niya kapag may mga natira. Sigurado matutuwa mom niya.
Hindi naalis tingin ni Charlotte sa shrimp na kasalukuyang mga binabalatan ni Arlo.
Lahat ni Charlotte ang kutsara habang nakatingin doon.
"Young miss kumain ka pa," ani ni Cosmo. Naglagay si Cosmo ng meat sa plate ni Charlotte. Siyempre cut na mga iyon at kakainin na lang ni Charlotte.
Medyo nasanay na din siya sa act of service ng kambal na Bellweather.
"Lagi kayo kasama ni sir Hayes. Driver, bodyguard and secretary niya kayo. It is okay na nakaupo kayo sa iisang table kasama niya?" tanong ni Charlotte. Napatigil si Arlo hindi dahil sa tanong ni Charlotte kung hindi dahil sa tinawag nito sa kaniya.
"Bakit young miss? Ayaw mo ba kami kasabay sa table?" tanong ni Benzo after ibaba ang hawak na baso.
Napansin niya din kahit sa mansion kasabay nila kumain minsan ang magkapatid. Nagpapakita ng concern ang auntie Ophelia niya doon dahil staffs pa din sina Benzo.
"Are you uncomfortable?" tanong ni Cosmo. Binaba ni Charlotte ang tingin sa plate na nasa table niya. At the end nagpakita pa din siya ng concern sa words na binigay sa kaniya ng auntie Ophelia niya.
"Unspoken rules para sa mga wealthy family. Wala ako maintindihan," uninterested na sagot ni Charlotte. Napatigil ang bata noong may maglapag na plate sa harap niya. Shrimp iyon na lahat na balat tapos crabs.
"They are my friends and almost like my brothers. I dont mind na makasama sila sa iisang table," sagot ni Arlo. Napatingin si Charlotte kay Arlo.
"Hindi mali sinabi ng mom mo but mga ganoong rules is— hindi applicable lalo na sa iyo."
"Dahil bata ako?" tanong ni Charlotte. Sumagot ng no si Arlo.
"Sino ba sa mundo na ito ipopoint out harapan ang mistakes ng isang Hayes?"
Natawa lamang si Cosmo sinabi na wala pa taong kayang makipag-eye to eye sa iisang si Arlo consider na iisa pa si Charlotte na anak.
Kahit ang mga Monteveros na pumapangalawa sa pinakamaimpluwensya na pamilya hindi kakayanin ang consequence kapag naoffend nila mga Hayes. That is why kahit ang matandang Monteveros na nasa venue na din iyon ay hindi magawa mag-step in noong nagalit si Arlo at umalis ng party ng hindi lumilingon.
"Mahilig ka sa sea foods. Gusto mo pa ba?" tanong ni Arlo. Nagtaas ng kamay si Arlo para tawagin ang waiter.
"Gusto ko mag-uwi sa mansion. Papatikim ko ito kay mom," ani ni Charlotte. Tinanong ni Arlo kung bakit.
"To cheer her up. Mahilig din mom ko sa sea foods," ani ni Charlotte and tinusok iyong shrimp. Sigurado si Charlotte na malungkot ngayon mom niya dahil wala siya sa tabi nito.
After kumain sa restaurant. Madami pinatake out si Arlo siyempre mga bago na order iyon.
Nakatulog na si Charlotte sa backseat at nakahilig ito sa lap ni Arlo. Noong nakatulog kasi ang bata nauuntog ito sa bintana kaya naman hiniga ito ni Arlo sa lap niya.
"Curious ako sino mom tinutukoy ni miss Charlotte," tanong ni Cosmo. Napatingin si Arlo sa driver seat kung nasaan si Cosmo.
"Hindi kumakain ng sea food si miss Ophelia."
Isa sa talent ni Cosmo at naenhance skill nito is ang pagiging observant and mabilis makpag analyze ng sitwasyon that is why secretary ito ni Arlo.
As expected hindi pinagtutuunan ni Arlo ng pansin si Ophelia kaya as a secretary and kaibigan ni Arlo siya nagpifill ng fault sa mga actions ni Arlo.
That's why pinanonood niya si Ophelia at nagpapakita ng concern si Cosmo sa well being ni Ophelia.
Tumingin si Cosmo sa binata and tiningnan mga sasakyan na dumadaan.
"May allergy din si miss Ophelia sa shrimp. I dont think hindi din natin maikoconsider na bata pa masyado si young miss para hindi niya maidentify tunay niya na mom at tinutukoy niya ay si miss Cordelia."
After all isang prodigy si Cordelia. Paanong makoconfused ito sa appearance at identity ng sariling ina.