09

2039 Words
Chapter 09 Nakaupo si Charlotte sa field habang may hawak na book. Madami mga estudyante ang naglalaro doon. "Hagis mo dito bilis!" Isang lalaki ngayon nakatayo sa kalayuan. Napapalibutan ng mga batang babae at nakapako ang tingin kay Charlotte na nag-iisa. "Sino iyon?" tanong ng lalaki at tinuro ang batang si Charlotte. "Sure ka hindi mo siya kilala?" tanong ng batang babae. Napalingon sa kaniya ang batang lalaki. "Kahit saan part ng campus may mukha siya at may pangalan siya," ani ng batang babae. Nagcross arm ang kasama nito at sinabi na favorite ng teachers ang bata na iyon. "Walang gusto makipaglaro sa kaniya kasi masungit tapos pabida." Dami sinasabi ng mga batang babae na masama kay Charlotte. Maya-maya lang may dalawang pusa ang lumapit sa side ni Charlotte. Isa sa mga ito sumampa sa lap ng batang babae at pinatungan ang binabasa nito na libro. Bahagya nagliwanag ang mukha ng batang babae noong makita mga pusa. Sa isip ng batang lalaki mukha naman normal lang si Charlotte hindi katulad ng mga naririnig niya. Wala nga lang ito na kaibigan. "Lawrence tara punta tayo section B madami daw transferees and mga pogi." Hinila ng mga batang babae su Lawrence paalis ng bench. Sandali nilingon ulit ng batang lalaki si Charlotte na kasalukuyang hinahaplos ang balahibo ng pusa. Tapos na ang klase ni Charlotte para sa araw na iyon. Lumabas na siya ng room as usual para tumungo sa parking lot at hintayin ang school bus. Pagbaba niya ng building may mga estudyante na nagkukumpulan. "Totoo naman diba? Nanay mo dancer at bayaran na babae!" "Sinabi din iyon ng mom ko nakita niya mom ni Lawrence sa club tapos may kasamang matanda." Isang batang lalaki ang nakaupo sa lupa at galit na nakatingin sa mga batang lalaki na nakatayo sa harapan niya. "Bawiin niyo sinabi niyo! Hindi ganiyan mom ko!" Nagkatinginan ang mga kaibigan ng batang si Lawrence at bahagya lumayo sa bata. "Totoo ba iyon?" Nilingon sila ni Lawrence ngunit umiwas nga ito ng tingin. Iba sa mga ito is umalis na parang kanina lang is ipinagtatanggol siya. Hindi talaga ni Charlotte maintindihan mga tao. Even mga bata at adult wala na siya makita na difference. Pinagkakatuwaan ang flaws ng ibang tao at hinihila mga ito pababa. Binato ng batang lalaki ang bag ni Lawrence kay Lawrence na agad naman tumama iyon sa katawan ng bata at napaingit ito. "Umalis ka dito. Nakakadiri ka. Kaya siguro wala ka tatay kasi bayaran mama mo." Naiiyak si Lawrence ngayon na nakayuko yakap ang bag niya. "Ano kung bayaran ang mama niya? Pakialam mo ba? Ano ambag mo sa pamilya nila para ijudge sila?" Napatigil ang apat na lalaki noong humakbang si Charlotte palapit sa kanila. "Nagthank you ka ba noong kinuha mo test paper ng seatmate mo at kinopya sagot niya sa exam?" tanong ni Charlotte na tinuro ang isa sa apat. "Noong nabasag ang isa sa mga favorite na jar ng teacher natin sa table niya. Umamin ka ba?" tanong ni Charlotte tinuro iyong batang lalaki na nasa kaliwa at ngumisi. "Hindi ba tinuro mo kaklase natin na barkada niyo din at hanggang ngayon hindi pa siya napasok." Namutla ang dalawang lalaki noong marinig iyon. Isa sa mga apat na lalaki ang tinuro ni Charlotte. "Alam ba ng school dean na mom mo adviser natin kaya nanatili ka second sa ranking sa class natin kahit wala ka naman naisasagot na tama sa exam natin at hindi ka active sa recitation." "Tama na yan!" sigaw ng lalaki na iyon. Tinanong ni Charlotte sino ang lalaki para patigilin siya. "Ikaw— ikaw." Itutulak siya ng guy na nasa gitna nang agad umilag si Charlotte at tinalisod ang lalaki. Nadapa ito sa lupa. "Hindi pa ako tapos magsalita." Nanginginig ang lalaki na nakadapa ngayon sa lupa. Sinabi na manahimik ito. Nanatili wala expression si Charlotte at umatras. "Magsorry ka." Napatigil ang batang lalaki na nakadapa sa lupa. Nag-angat ito ng tingin. "Why would i—" "Huwag mo gawin sa ibang tao mga bagay na ayaw mo nangyayari sa iyo." Naiyukom ng batang lalaki ang kamao at yumuko. Maya-maya bigla ito tumayo tapos tumakbo palayo. Agad siya hinabol ng mga kasamahan. "Ikaw— ikaw bakit mo ako tinulungan? " tanong ni Lawrence. Pinagpagan ni Charlotte ang skirt at sinabi na nabobored lang siya. "Gusto ko lang makakuha ng kaunting merits sa pamamagitan ng paggagawa ng mga good deeds." Napatanga si Lawrence noong marinig pinakareason ni Charlotte. Umalis ang batang babae na parang wala lang. Hindi siya tinapunan nito ng tingin at dinedma mga batang kusang binigyan siya ng daan dahil sa takot. — Nagpapalakpak si Cordelia noong marinig ang kwento sa kaniya ng anak na si Charlotte. Proud na proud ito sinabi kung gaano ka wise at kabuting bata ang anak niya. Charlotte look flattered noong marinig iyon mula sa ina. 'Sa future madami din makakarealize na mabuti ka na bata. Magkakaroon ng madami na kaibigan.' ani ni Cordelia gamit ang hand gesture. "Hindi ko kailangan ng kaibigan." Niyakap ni Cordelia ang anak sinabi na hindi na masama magkaroon kahit isa. "We have Dennis," sagot ni Charlotte. Bagay siya nilayo ni Cordelia sa kaniya at ngumuso. Sinabi ni Cordelia na adult si Dennis. Hindi siya pwede maging friend ni Charlotte. Humilig si Charlotte sa braso ng ina. Lingid sa kaalaman ni Cordelia nahihirapan si Charlotte makahanap ng kaibigan na kasing age niya. Iba ang hilig niya compare sa mga bata. Lahat din wary sa kaniya dahil sa palagi siya nangunguna sa klase. Naririnig niya madami parents pinapagalitan mga anak nila after parents meeting dahil sa kaniya at palagi sila pinagkocompare that's why. Naaalala niya mga tingin ng mga kaklase pinukol sa kaniya. Para siyang isang unidentified species na nasa kabilang bahagi ng room na tinitignan na puno ng pagkadisgusto at distained. Sumilip si Cordelia sa anak and gumawa ito ng hand gestures. Masyado naging busy si Charlotte kaya hindi ito natatanong ng babae. Napatigil si Charlotte noong mabasa ang sinabi ng mom niya. Tinatanong nito kung mabait ba sa kaniya ang dad niya at maganda ang pakikitungo nito sa kanya. "Hindi siya masama." Nagtataka siya tinitigan ni Cordelia. Umiwas ng tingin si Charlotte. Flashback Sa mansion noong dinala siya doon ni Arlo may sarili na siya na room. May mga staff toys tapos closet na puno ng dress. As usual hindi interesado doon si Charlotte at umupo na lang sa gilid ng kama. Hindi siya iyong batang nag-eenjoy sa mga flashy na bagay at toys. "Is there a problem? Ayaw mo ba ng decoration ng room?" tanong ni Arlo at nakapamulsahan na naglakad. "Its fine." Tiningnan ni Arlo ang mga staff ng mansion at secretary. Agad mga ito yumuko at nagpaalam. Napatigil si Charlotte noong ibaba ni Arlo ang sarili at itungkod ang isang suhod sa sahig. Ngayon magkapantay na sila and hindi nakareact si Charlotte. "Kung ayaw mo ng color ng room or may ayaw ka sa room na ito tell me at papapalitan ko agad." Gusto ni Charlotte sabihin na gusto niya umuwi dahil hindi siya nakakatulog ng wala ang warm ng mom niya at scent nito but sigurado na bibigyan lang niya ng problema ang sarili niya at hindi iyon magandang idea. Baka si Ophelia pa papuntahin doon at patabihin sa kaniya. "I told you, I'm fine. Matutulog lang naman ako dito." Ordinary na bedroom lang iyon at hindi siya magtatagal doon. Sa araw na iyon madami tinatanong sa kaniya si Arlo about sa favorite niya na foods, may toys ba siya na gusto, story books at mga dress. Nanatili lang maikli sagot ni Charlotte at sinasabi na hindi siya picky. Since magkaisip si Charlotte at marealize kondisyon nila ng mom niya sa mansion— nakaset na ang isip nito paano sila makasurvive ng mom niya sa mansion ng mga Monteveros. Paano sila makakain ng wala sila matatanggap na salita sa mga staff ng mansion, walang mananakit sa mom niya lumingat lang siya sandali at manatili ang pabor sa kanila ng lolo niya sa gayon hindi sila mapalayas sa mansion. Sa sitwasyon nila ng mom niya sa mansion swerte na kung makakain sila ng karne at hindi pagtripan ng mga katulong ang pagkain na para sa kanila. "Try this." Naglagay si Arlo ng sweet pork sa plato ni Charlotte. Cut na iyon at dahil nasa plate naman iyon ni Charlotte ay kinain iyon ng bata. Napatigil si Charlotte and naisip na sigurado magugustuhan din iyon ng mom niya. Nalungkot si Charlotte— namimis niya mom niya. Kusa na kumuha ng meat si Charlotte at kinain iyon. "Kainin mo din ito," ani ni Arlo tapos naglagay ng meat ng labster sa plato ni Charlotte. Pinasubukan ni Arlo kay Charlotte lahat ng ulam na nasa lamesa and after 'non ito na kumukuha ng nga gusto niya. Tiningnan ni Arlo ang butler na agad naman tumango. Its mean tinake note na nito lahat ng pagkain gusto ni Charlotte. Para sa edad ni Charlotte malakas kumain si Charlotte. Magana din ito kumain. Habang pinanonood ni Cosmo si Charlotte hindi maiwasan ng lalaki macurious. Sa dami kumain ni Charlotte bakit ganoon pa din ito kaliit at payat. Hindi ito mukhang healthy. Mukha din hindi ito familiar sa mga dish na nasa lamesa na siyang normal na mga pagkain hinahain sa lamesa. After 'non busog na busog si Charlotte tapos may mga dessert pa na dinala si Arlo. Wala ginalaw si Charlotte at umiwas ng tingin. Ginagawa ito ng batang babae kung hindi ito interesado or naiirita. Pinabalik iyon ni Arlo sa kusina dahil mukhang hindi fan ng sweet si Charlotte. "Gusto mo ng fruits?" Dumampot si Arlo ng orange and inabot kay Charlotte. Tiningnan iyon ni Charlotte and maya-maya lang gamit ang dalawang kamay ay kinuha iyon ng bata. "You can keep it and maya-maya magpapadala ako ng ganiyan sa maid para kainin mo." Nahagip ng mga mata ni Charlotte iyong mini structure ng city na nasa table ni Arlo. Nakatitig doon ang babae. Tiningnan ni Arlo ang tinititigan ni Charlotte. Tinanong ni Arlo kung gusto ba ng bata iyon. Napangiwi si Cosmo. Hindi iyon laruan and sobrang mahal ng structure na iyon para maging laruan lang. "Its fine." Bumaba na si Charlotte at sinabi na matutulog na siya. Tumalikod si Charlotte dala iyong orange na nasa mga palad niya at naglakad paakyat ng hagdan. Napahawak ng mahigpit si Ophelia sa kubyertos dahil sa idea na halos buong araw nakapako lang ang tingin ni Arlo kay Charlotte. Sa isip ni Ophelia kailangan niya kumalma. Bata lang si Charlotte at anak ito ni Arlo natural na kakaiba ang treatment ng lalaki sa anak. Hinawakan ni Ophelia kamay ni Arlo na kinatingin ng lalaki. Fade na ngumiti si Ophelia at sinabi na magagawa din ni Charlotte tanggapin si Arlo. "Thanks." Kinuha ni Arlo ang kamay at sinabi na kumain na sila. Nakapako tingin ni Cosmo sa kamay ni Arlo at Ophelia na nasa itaas ng table at ginawang pag-iwas ni Arlo. Noong malalim na ang gabi nasa opisina si Arlo kasama si Cosmo. Nandoon din si Benzo na nakaupo sa sofa at may hawak na phone. Kasalukuyan itong may tinitext and hindi tinatapunan ng tingin ang dalawa. "Siniseduced ka ni miss Ophelia?" tanong ni Cosmo. Napasapo si Arlo sa noo sinabi gusto niya kausapin si Ophelia about doon ngunit hindi niya alam kung paano ieexplain ang sitwasyon nila ng hindi naooffend ang babae. "Hindi ko nakikita na attractive si Ophelia. Ang reason lang naman na nasa ganito kami na sitwasyon at binibigyan siya ng favor ay dahil kay Charlotte. I dont think mauulit pa ang nangyari noong gabi na iyon," ani ni Arlo. Noong hinalikan siya ni Ophelia wala siya naramdaman na kahit ano. "Bigyan ba kita ng aphrodisiac?" tanong ni Cosmo. Nilingon siya ni Arlo at sinamaan ng tingin. Natawa si Cosmo at tinaas ang kamay. "Boss, nabalitaan mo na ba na bumalik na ang half brother mo?" Napatigil si Arlo and tiningnan si Benzo. Tinanong kung saan nakita nito ang impormasyon. Hinarap ni Benzo ang screen ng phone niya at doon lumabas ang latest news. "Mukhang mabilis kumalat ang balita. Mukhang umuwi din siya dahil sa balita na ikakasal ka na," ani ni Cosmo. Nagpakita ng pagkadisgusto si Arlo and nahawakan ng mahigpit ang pen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD