Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 45 Lumipas ang ilang linggo sa buhay namin ni Raul, wala pa ring pinag bago ang aming samahan bagkus ay mas nag igting pa ito. At kasabay nga pag tatapos ng tag-araw ang siya ring nalalapit na pamama alam ko sa peace maker club. Napag planuhan na rin kasi ang aming grupo na gawin ang naturang farewell party sa huling araw ng college week kung saan ang lahat ay maaaring dumalo kasama na rin ang mga alumni ng naturang club. Excited ako sa araw na iyon ngunit may kaunting lungkot na bumabalot sa aking pag katao lalo na kapag naiisip kong aalis na ako at lilisanin ang club na aking naging ika-lawang pamilya. Kung sabagay, ganito naman talaga ang sirkulo ng buhay natin, may mag sisimula at mayroon ding mag tatapos. Muling mag lalakbay ang tao at lilikha muli