Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 40 Tila nanikip ang aking dibdib at hindi ko naiwasan ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko ito magawa dahil punong puno ng sakit at pag kalito ang aking pag katao.. Pakiwari ko ba ay pinapatay ako sa pinag halong kaba at kalungkutan. Wala akong nagawa kundi ang tumitig kay Raul at doon ay mangusap "bakit? bakit mo ako sinasaktan Raul??Bakittt??!!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang pilit na iniintindi ang mga pangyayari.. Nasa ganoong emosyon ako noong marinig ko ang paulit ulit na pag tawag ni papa sa aking pangalan dahilan upang matauhan ako at muling bumalik ang aking normal pag iisip. "Greg! Greg! Bakit ba nakatulala ka dyan? Ano bang iniisip mo anak? Halos ilang minuto ka nang naka tayo diyan sa pintuan, naka