Alas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 27 Noong gabi ring iyon ay nag lakas loob akong itext si Raul upang makipag kita rito, at dahil nga nag riring pa ang kanyang cellphone number ay tiyak na nababasa niya ito bagamat wala naman akong nakuhang kasagutan mula sa kanya. Ito ang unang pag kakataon na nag baba ako ng pride para sa isang tao, at dahil nga mahal ko si Raul ay dapat lang gawin ko ang lahat upang mag kaayos kami kahit na alam kong malabong malabo na ito. Sent Message "Tol, alam kong nababasa mo ito. Mag kita tayo bukas doon sa groto malapit sa baryo ng Silang. Nais ko lamang maka usap ka at upang mabigyang linaw natin ang tungkol sa ating relasyon. Aasahan kita bukas ng alas 4 ng hapon bago lumubog ang araw. P.S kung hindi ka man dumating sa ating usapan, ang ibig sabihin lamang ni