Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 25 "Taga Nueva Ecija si Raul!!" ang sigaw ko sa aking isip habang masuring pinag mamasdan ang titulo ng lupa na kanilang pag aari. Hindi ito maipag kakaila dahil ito mismo ang nakalagay na address ng kanilang ama kaya't nakasisigurado ako doon. Atleast ngayon ay mayroon na akong kaunting ideya tungkol sa kanyang pinag mulan kaysa naman wala at patuloy pa rin akong nangangapa sa dilim. "Paano ka naman nakaka siguradong ito ang adres ni Raul?" tanong ni Zack habang pinag mamasdan ang lumang titulo. "Ewan, basta malakas ang kutob kong dito ko siya matatagpuan. Saka, nandito ang titulo ng lupang pag aari nila kaya't iyan na talaga yon." katwiran ko naman. "O, sige pag palagay na nating ito nga ang adres nya, ang tanong ay alam mo bang puntahan itong probinsya