Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 13 Matapos ang ilang minutong pag bitin namin sa ere ay mas naging malalim pa ang samahan namin ni Raul. Dito ay nasubok ang katatagan ng aking loob na harapin ang ano mang takot na lumulukob sa aking pag katao. Bukod pa roon ay mas lalo pang umigting ang tiwala ko kay Raul dahil siya ang dahilan upang matagpuan kong muli ang lakas ng loob na nawala sa aking sarili dulot ng masalimuot na nakaraan. At dahil dito ay hindi ko na rin maaaring ideny ang katotohanan na unti unti na akong nahuhulog sa kanyang taglay na kabutihan at pag mamalasakit sa aking kalagayan. Kaya naman mag buhat noong mga oras na iyon ay mas lalo pang naging espesyal si Raul sa aking mga mata. "Bakit sinabi mo sa mga tao doon sa plaza na asawa mo ako? Loko ka rin eh." naiinis kong tanon