EHRAN'S POV Kahit pala palutang-lutang lang sa hangin ang espiritwal na katawan ko, nakakapagod pa rin. Iba talaga rito sa mundo ng mga tao. Masiyadong nakakapagod ang mga bagay-bagay. 'Tulad ng mga mortal na nakakasalubong ko ngayon. Halos araw-araw silang umaalis ng bahay at nagtitiyaga sa mabagal na pag-usad at siksikan ng mga sasakyan. Ibang-iba sa Numina na puro ginhawa at sarap lang ang nararamdaman naming mga anghel. Kung sana, 'tulad namin, nabiyayaan din sila ni Ama ng kahit teleportation power man lang para hindi na sila mapagod sa kakalakad. Mayamaya'y natigilan ako sa itinatakbo ng isip ko. Napansin ko lately, padalas ng padalas ang pagkuwestiyon ko sa mga desisyon ni Ama. Parte pa rin kaya ito ng parusa sa'kin ng Pamunuan? I shook m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books