Taimtim na nagdadasal si puting anghel habang nakaluhod siya sa paanan ng hagdang nakakasilaw ang liwanag sa kaputihan. Ang alam niya, ang hagdan na iyon ay paakyat sa patungo sa mga matataas na anghel, paakyat sa mga Santo, at paakyat pa hanggang kay Big Boss. Ewan lang niya kung totoo. Ang sigurado lang siya ay ang pagdadasal upang makarating ang natatangi niyang hiling sa panginoon. Nag-angat lang siya ng ulo nang may bahagyang tumapik sa kanyang balikat. At nang lingunin niya ay ang kasamahan niyang anghel ito. Nang maglaho siya sa party kanina ni Kiara ay bumalik siya rito sa langit upang hilingin na sana ibalik na lang sa dating pagkatao ni Kiara nang tuluyan. At para matupad iyon ay magdasal daw siya nang taimtim. Nga lang ay wala pa ring kasiguraduhan dahil imposible pa ring matu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


