DAHAN-DAHAN akong napaatras. Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng ilang sandali ay nabalot ako ng kalituhan hanggang sa matagpuan ko ang boses ko at sa sarkastikong tono ay tinanong si David. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gusto mong magpakasal ako sa'yo? Okay ka lang ba?" "Yes, I can hear myself. Yes, I'm okay. And yes, I want us get married." "Niloko kita. Ginamit ko ang pangalan ng isang pat*y para makalapit sa'yo. Nagsinungaling ako sa maraming pagkakataon tapos ngayon gusto mo akong maging asawa? What's it in me, Mr. Fuentabella?" He smirked. "There's nothing. Don't flatter yourself just because I'm asking you to marry me. Kung nakinig kang mabuti, isang taon lang ang magiging pagsasama natin dahil ipapa-annul ko rin ang kasal." "Kung gano'n ayoko." Nagsalubong ang mga kilay n