NATIGILAN ako at kinabahan. Paano nagkausap si Tito Zaldy at ang nanay ni David? Hindi ko alam na magkakilala ang dalawa. Parang nahulaan naman agad ni Madam Irina ang tanong sa isip ko. "Pinuntahan ako ng tiyuhin mo noong isang araw. He looked familiar, but I didn't know him. Marahil ay nakita ko na siya noon sa rancho, pero hindi ko talaga siya kilala. Kaya nagtaka ako nang puntahan niya ako para kausapin. He introduced himself to me. Sinabi rin niya kung anong kaugnayan n'yo sa isa't isa. Hindi raw siya makalapit kay Solomon kaya ako ang nilapitan niya." "A-anong mga sinabi niya sa'yo?" "Everything," sagot ni Madam Irina. "Mula sa pagkakapulot sa'yo ni Emmanuel mula sa lansangan hanggang sa pagkakaroon n'yo ng problema sa pera dahil sa lumalaking gastos para sa kapatid mo." I kep