HALOS kaladkarin ko ang sarili kong mga paa palabas ng kwarto. Hindi ako halos makahinga sa takot na harapin ang taong naghihintay sa akin sa living room. Bihis na ako, pero pakiramdam ko ay hubad ako sa kahihiyan dahil sa ginawa ko na tanging ako lang ang may alam. Magsisi man ako ay huli na. Isa pa, tama na rin ang ginawa ko dahil may mapapala naman ako pagkatapos ng lahat. Ano bang magiging silbi ng iiwan kong magandang imahe kay David kung pag-alis ko sa bahay niya ay kalilimutan na niya ako? Tuloy lang ang buhay niya samantalang maiiwan naman sa puso ko ang pagmamahal sa lalakeng hindi magiging akin kahit kailan habang nangungulila pa rin sa kapatid ko? Yes, I sound so selfish, but this is the reality of life. Gusto ko ring isipin ang sarili kong kapakanan. Pagkatapos ng ginawa kong