NAKAMASID ako kay Jackson habang kausap si Mrs. Padernal. Pauwi na dapat ako, pero minabuti kong lapitan ang administrator at alamin kung may nabanggit na si David tungkol sa pag-uwi ng kapatid ko. “This isn’t beneficial to your brother, Miss Onic. Sudden changes in routines and environment is stressful to children with ASD. Pero bilang institution lamang naman kami, wala kaming magagawa kundi sundin ang gusto ni Mr. Fuentabella.” “Hindi ko rin gusto na palipat-lipat siya ng lugar, Mrs. Padernal. Pero bilang ate niya, mas gusto ko na nasa pangangalaga ko siya. Marami nang pinagdaanan ang kapatid ko simula nang maulila kami sa mga magulang. Basta na lang siya kinuha sa akin ng tiyuhin namin, at isa sa mga inaalala ko ang epekto sa kaniya ng pagtira kasama ang ibang tao. Humingi ako ng tu