RAMDAM ko ang pagpitik sa sentido ko nang marinig ang sinabi ni Tito Zaldy. "Niloloko mo ba'ko? Anong hindi mo'ko babalikan? May usapan tayo, Tito Zaldy. Ginawa ko ang inutos mong gawin ko. Nakipagkita sa'yo si Sir David kaya sigurado akong nakuha mo na ang perang gusto mo. Anong gusto mong palabasin ngayon?" "Wala, Onic, at lalong hindi kita niloloko," mahinahong sagot niya. "Tutupad naman ako sa usapan, eh. Pero itong si Fuentabella, mukhang nabitin pa sa'yo kaya ayaw ka pang isoli. Anong magagawa ko kung gano'n? Sa tingin mo, makakaangal ako sa gusto niya? Makapangyarihan ang pamilya nila. Gusto mo bang ipakulong ako ni Fuentabella kapag nagpumilit akong bawiin ka? Eh, 'di nawalan ka pa ng kakampi." "Humingi ka ng tulong sa barangay. Sabihin mong pamangkin mo akong menor de edad at