"SO? Ikaw pala ang kapatid ni Jackson. Please, sit down," anyaya sa amin ng school administrator. Tumango ako at agad na naupo sa katapat na silya ni David. "As you can see, nasa kabilang kwarto lang ang mga bata. And there's your brother Jackson! Look at them! They're all so busy!" Napangiti ako. Ang totoo, nanggaling na ako kay Jackson bago pa kami tumungo sa office ng administrator. Nasilip ko kasi siya pagpasok ko sa gusali at nakita kong naglalakad akay ng isa sa mga volunteers. Hindi na ako nagpapigil. Halos liparin ko ang distansiya ko sa kaniya. I hugged him tightly. Sabik na sabik ako sa kapatid ko. Isang buwang mahigit ko siyang hindi nakita at sa tingin ko ay namayat siya. "You may only visit him two to three times a week." Natigilan ako sa aking narinig. Katatapos lan