SINALAKAY ako ng kaba. Isang pamilyar na bulto at pamilyar na panlalakeng pabango ang umagaw sa pansin ko at hindi nga ako nagkamali. Paglingon ko ay nakatayo na si David sa gilid suot ang madilim na mukha. Hindi ako nakapagsalita. Hinablot niya ang isa kong braso at walang sali-salitang inakay ako palayo sa hallway hanggang sa makalabas kami ng eskwelahan. "S-sandali-" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin. Halos isalya na kasi ako ni David papasok ng passenger seat. Takang-lumingap ako sa paligid at ni isa sa mga bodyguards ay wala akong nakita. Itatanong ko sana kay David kung nasaan na ang tatlo, pero halos mabingi ako nang pabagsak niyang isinara ang pinto sa gilid ko. Mabilisan din siyang umikot sa may driver seat at maya-maya lang ay naroon na sa tabi ko. "Nasaan ang mga bant