GABI na at hindi pa rin umuwi ang aking mga magulang at ganoon rin si Ale, sinamahan nila ako sa aking pagdadalamhati. "Hindi na lang muna siguro ako mag-take ng Licensure Examination," pahayag ko sa kanila. "Sayang ang paghihintay mo nang ilang buwan, Chic. Mag-take ka na ilang oras lang naman iyon. At isa pa nandito naman sina Tito at Tita, at ako rin." "Tama si Ale. Nandito naman kami," pagsang-ayon ng aking ama. "Huwag kang mag-alala, babantayan namin nang mabuti ang anak mo," malumanay na sabi ni Mommy. At dahil sa panunuyo nila ay sumang-ayon ako. "Sige." Alas-otso nang umaga magsimula ang Licensure Examination kaya kailangan alas-siyete ay nandoon na ako. Sinabihan ako ni Ale, na umuwi sa condo para magpahinga at i-relax ang aking isip. Pero tumanggi ako, dahil paano ko i-r

