NAKAALIS si Diego Alejandro at naiwan na naman ako na mag-isa sa kuwarto, nakaramdam ako ng konting kalungkutan. Subalit agad kong nililibang ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-re-review ko para sa aking Licensure Examination. Nakakabagot ang aking buhay ngayong nagdadalang tao ako lalo na't bed-rest ako. "Chic…" sambit ni Nanay Susseth at nakatayo ito sa may pinto. "Halikayo, Na!" "Inumin mo muna itong mga gamot at vitamins mo." At inabot niya sa akin ang maliit na trey na ang tanging laman ay ang mga binabanggit niya. "Salamat, Nay Susseth." "Ano pala ang gusto mong lutuin ko mamaya para sa mga magulang mo?" Nagulat ako sa tanong nito, hindi ko inaasahan na pinahandaan ito ni Diego Alejandro. "Ikaw na po ang bahala, Nay. Alam ko naman na masarap kang magluto, eh!" "Naku… b

