KAHIT hindi sumagot si Jackie ay nagpatuloy sa pagsasalita si Don Celso. "Si Chicklet ay aking private therapist, sa aking bahay siya nakatira sa loob ng mahigit isang taon habang ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral bilang Physical Therapy. Nag-aaral siya sa sariling sikap hanggang sa nakapagtapos siya. Hanggang sa naging girlfriend at fiancee siya ni Yuwano. Pero hindi naging tapat sa kanya si Yuwano at hindi lang isang beses kung 'di dalawang beses. Kaya hindi ko masisisi si Chicklet kung mas pinili niya si Diego Alejandro. Dahil mabuti at mapagkakatiwalaang tao ito." "Tama na, Lo." "Bakit?! Dahil hindi mo matanggap? Nasasaktan ka? Then, good for you!" sarkastiko na sermon ni Don Celso. Nanahimik naman si Jackie at medyo nasaktan sa kanyang nalalaman. Pakiramdam niya ay ginawa l

