MATINDI ang galit ni Kulit sa sinapit ng kapatid na si Clarissa. Kahit kalalabas lang ng pinsang si Charlie sa ospital ay nasuntok niya ito. Kundi siya inawat ng kapatid nitong si Calvin baka mas malala pa ang nagawa niya. “Simula sa araw na ito hinding hindi mo na makikita ang kapatid ko. Ang buong akala ko namulat tayong magpipinsan na nagtutulungan. Paki-sabihin mo kay Kyla, tinapos niya ang pagiging magpinsan namin.” masamang masama ang loob ni Kulit sa sinapit ng kapatid. At kung totoong kapatid din niya ang babaeng bumaril kay Clarissa na ngayon ay agaw buhay din. Walang kapatawaran ang ginawa ni Kyla. “Anong nangyari na hindi ko alam?” napa hinto sa gagawing pag hakbang si Kulit ng marinig ang boses ng tiyuhin is Kyle. Ngunit hindi niya magawang sumagot sa tanong nito. “Kulit?”