UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Falcon, nanibago siya sa paligid dahil sa nakikita. Bago muling pumikit at nag mulat ng mga mata. Pagkatapos dahan dahang bumangon. Ngunit hinang hina ang kanyang pakiramdam. Kaya balik sa higaan sapagkat para siyang nawawalan ng lakas. Nakakaramdam din siya ng kirot sa dibdib at ulo. Ganun pa man ay binalewala niya yon. “Master Falcon? Gising ka na nga tama si Doktora, anumang oras magigising ka at babalik sa normal.” “A-Anong ibig mong sabihin? Bakit ganyan ang pananalita mo, ano ba ang nangyari?” nakita ni Facon ang pagkagulat sa mukha ng kaharap na kaibigan. “Wala kang natatandaan sa mga naganap?” “Syempre meron, ang tinatanong ko bakit ganyan ang reaksyon mo may nangyari ba dito na hindi ko alam?” ngunit tumawa ito at sa halip ay hinawakan ang