ILANG araw ng hindi na katabi sa higaan ni Reejz si Mae, dahil nag-stay ang buong tropa ng ama nila sa hacienda. At ang biyenan lalaki ay laging nakabantay kay Mae. Ngayon umalis na ang mga ito ay halos nag tatalon sa tuwa si Reejz. Pagtaas pa lamang ng chopper na sasakyan ng mga ito ay tumakbo na siya sa silid ni Mae. Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad niyang niyakap si Mae. “I miss you so much mahal.” kasabay ay pinag hahalikan niya ito sa buhok. “Galit ako sayo!” tinulak siya nito palayo ngunit muli siyang yumakap kay Mae. “Sorry na huwag ka ng magalit, dapat lagi kang nakangiti upang healthy ang anak natin.” “Magsabi ka sa akin ng totoo, ilan na ang anak natin?” “T-Tatlo na sana kaso n-nawala sa tiyan mo ang ikalawa nating anak.” “W-What? P-Paano siya nawala hindi kita maint