KASALUKUYAN silang nasa loob ng delivery room. Ngayon manganganak sa ikatlo sanang anak kung nabuhay ang isa. Sinamahan niya si Janz sa loob kahit moral support man lang ay matulungaan niya ang asawa. Ang hindi niya inaasahan ay masaksihan kung gaano kahirap ang dinanas ni Janz habang nasa labor room sila. Lalo nang pumasok na sila sa delivery room. Hindi siya pumayag na ‘di kasama sa loob. Wala man lang siyang idea na halos ikamatay nito maisilang lang ang anak nila. Samantalang siya ay walang ginawa kundi saktan si Janz, pairalin ang pagiging Montemayor. Ngayon niya nauunawaan kung bakit meron mga babae handang hiwalayan ang kanilang asawa. Dahil maraming lalaki ang walang pakialam sa hirap na pinagdaanan. At ang mga kagaya niya mabilis mag desisyon. Hindi muna alamin ang totoo ag