Danger 30 Naka upo si Seb sa harap ng mahabang lamesa na kulay tanso, naka posas ang mag kabilang kamay sa lamesang yun, tahimik lang siya sa loob ng silid na yun na may apat na cctv camera sa mga kanto ng pader na naka tutok sa kanya. Sa kanan naman niya may salamin doon, alam niya kong para saan ang salamin na yun, may mga tao sa likod ng salamin na yun. Simula nang mahuli sila ng mga tunay na pulis, may isang matandang lalaking kumuha sa kanila sa presinto at nagpakilalang mga interpol. Sabe ng matandang lalaki na mga wanted sila sa Spain. Pagkatapos ng pag uusap na yun at saka naman sila basta binigay sa mga nagpanggap na interpol na humingi ng kahit na anung patunay. Sinisisi tuloy ni Seb ang mga pulis at sinasabe sa kanyang utak na ang bobo ng mga yun. Mas mabuti pa sana na mahuli