Danger 16 Dalawang araw pa ang nilagi ni Ginell sa hospital bago siya muling binalik sa kanyang silid para tuluyan nang gumaling. Tinigil din muna ang pag train sa kanya at si Seb naman ay bumalik sa labas ng Brotherhood. Nang tuluyan na siyang gumaling ay lumabas naman siya agad ng kanyang silid. Unang niyang nakita si Mr. Hance, "Mr. Hance!" Tawag niya dito hanggang sa maka abot siya. Marami siyang gustong itanung at malaman na ang matanda lang ang maka sagot sa kanya ng mga yun. "Dapat hindi kana tumakbo at baka mabinat ka." "Ayus na po ako, salamat na lang po sa concern." Sumabay naman siya sa paglalakad sa matanda nang may bigla siyang maalala at hindi niya nakikita ang binatang si Seb. "Na saan po si Seb, I mean si Mr. Walter?" "Bumalik si Mr. Walter sa labas ng Brotherhood at s