"Nagselos ka ba, Gab?" tanong ni Sica habang nakaunan siya sa dibdib ni Gab. Gab sighed heavily. "Obviously," Napangisi si Sica. Iba pala magselos si Gab, nanguguha ng virginity. Napahagikhik siya sa naisip. "Why are you-" "Wala, may naisip lang ako." pigil niya sa tanong ni Gab. "Bakit ka naman nagselos?" inangat ni Sica ang ulo para makita ang mukha ni Gab na medyo masungit. "Matagal na 'yung sa amin ni Jr. Ilang taon na rin kaming wala." Unti-unting tumango si Gab. Napangiti si Sica at bumalik sa pagkakaunan sa dibdib nito. Ang unang beses ay nasundan pa nang nasundan. Yet, still without the label. Pero hindi gaya noong una ay hindi na pinangunahan ni Sica si Gab. Hinayaan niya lang ito at naghintay siya. Pero naramdaman din niyang parang naghihintay lang siya sa wala. Hindi n