ANG magising sa kalagitnaan ng gabi at malamang hindi na babalik pa ang aking mate ay isang bagay na hindi ko madaling nalampasan. Tulad na lang ng mga oras na iyon habang mag-isa akong tumatangis sa gitna ng silid ng Alpha habang yakap ko ang unan na may bakas pa ng amoy nito. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang maganap ang pagbagsak ng Arch Bridge. Nagsagawa ng malawakang paghahanap sa Alpha ng Ravenstone ang Alyansa ngunit hanggang ngayon ay wala pang balita kung saan ito naroroon. Ang sapantaha ng mga trackers ay maaaring nadala na ito ng malakas na agos ng tubig ng ilog sa ibaba ng tulay. O maaaring kinain ng mga ligaw na hayop ang katawan nito kaya wala ni isang bakas ng binata ang makita ng mga trackers. Gustuhin ko mang umasa na buhay pa si Ty ngunit sa taas ng babagsakan a