NAGISING ako nang umagang iyon na nasa aking silid sa Mansion ng mga DeQuia. Awtomatiko akong napabalikwas ng bangon ngunit nang makaramdam ng pagkahilo ay muling napahiga sa aking kama. W-why am I here? Binalikan ko sa aking isip ang mga nangyari. Ang insidente sa kakahuyan na naghihiwalay sa hangganan ng Grimstone at Ravenstone at ang pakikipaglaban namin ni Beta Kisses sa mga rouges. Ang pagliligtas sa aking— “Diane!” I gasped as I remembered my bestfriend. Kumusta na kaya ito? Did they find her?! Sinubukan ko muling bumangon. Bahagya nang nabawasan ang aking pagkahilo ngunit may ilang bahagi sa aking katawan ang masakit. Maybe from the fight. Mukhang napuwersa ako sa pakikipagduwelo sa mga rebelde kagabi. And it was also my first time to use the sword. Hindi ko inaakala na may