“CHRISTINE, here!” tawag sa akin ng labindalawang taong gulang na batang babae. Buhat sa pagkakatayo mula sa tabi ng lawa ay kumaway ito sa akin. “Diane, wait!” I called after her as she stood up and stepped inside of the small boat that we were going to ride. Napagkasunduan kasi naming mamangka sa araw na iyon. Madalang na bumisita ang kaibigan ko at ang pamilya nito sa Grimstone Pack kaya nilubos na namin ang mga oras na magkasama kami. I ran towards Diane but suddenly frowned when I noticed something. “Why are you wearing Clein’s clothes?” Isang kibit balikat ang itinugon nito. “Huwag ka nang magtanong, just get on the boat,” anito. I nodded and moved. Ngunit bago ako pa man ako makasakay sa bangka ay may isa pang bata na kaedad namin ang tumabig sa akin at naunang humakbang sa lo