Kabanata 45 After ng check up niya ay agad din naman niyang tinungo ang condo unit na pagmamay-ari ng asawa. Nang makarating siya'y binati pa siya ng guwardya nang makilala siya nito. Tinungo rin naman niya agad ang elevator. At nang makarating siya sa unit ay agad din naman siyang pumasok sa loob nang mabuksan niya ang pinto. Napaisip siyang saglit kung saan niya nalagay ang files. Nang maalala niya'y agad siyang lumapit sa malaking television sa sala. Sa pagkakatanda niya'y nailagay niya ito sa ilalim ng kabinet kung saan may lagayan ng mga magazines. Nang mahugot niya ang folder ay saglit pa siyang natigilan dahil parang may nakatayo sa kanyang likuran. Nakikita niya ito sa black screen ng television. Nang lingonin niya ito ay agad na namilog ang kanyang mga mata. "Hi Julie," nakangis